TINGNAN: Personal na kinamusta ni MSSD BARMM Minister Atty. Raissa Jajurie kasama ang mga local government unit officials at field workers nitong Lunes, February 20, 2023 ang mga pamilyang makakatanggap ng housing units mula sa ministro.
Ang nasabing mga benepesyaryo ay kabilang sa mga bulnerableng pamilyang nawalan ng tirahan at higit na naapektohan ang kabuhayan sanhi ng kaguluhan sa nasabing bayan mula noong 2019.
Ito ay sa ilalim ng Bahay Program na iniimplementa ng Disaster Response Management Division (DRMD) ng MSSD BARMM na nagbibigay ng libreng pabahay sa mga pamilyang napapabilang sa pinakamahihirap na sektor na apektado ng kalamidad at iba pang mga sakuna.