Philippines Standard Time:

Today is:

Thursday

Jumada Al Oula 19, 1446 AH

November 21, 2024

PAKLAYAN SA MAY PALAYAN

blank

(A Sustainable Livelihood Program Story of Change)

Sa gitna ng kasalukuyang krisis na kinakaharap ng bawat isa ngayon dulot ng pandemya, ilan sa mga labis na apektado ay mga maliliit na negosyo. Isa na dito ang paklayan ni Babo Sapiya Abdullah Bedu, 47 anyos, residente ng Brgy. Dagurongan, Sultan Mastura, Maguindanao.

Mag-isa na lamang na itinataguyod ni Babo Sapiya ang kanyang apat (4) na anak sa pamamagitan ng pagbebenta ng paklay.

Ang pangunahing mga tumatangkilik ng kanyang paklayan ay mga magsasaka sa palayan sa kanilang baranggay kung saan mismo nakatayo ang kanyang negosyo.

Ayon kay Babo Sapiya, madalas diumano na dinudumog ito dati ngunit naging matumal ang kanyang kita sanhi ng mga nakaraang lockdown dahil sa pandemya.

Isa si Babo Sapiya sa 47 na mga benepisyaryo ng kanilang munisipyo na nakatanggap ng tulong pinansyal na pangkabuhayan ngayong taon mula sa Sustainable Livelihood Program ng Ministry of Social Services and Development – BARMM.

blank

“Sukur-sukur r’kanu kagya myawma iran a akal a ing-gan iran su manga pobre a manaya ba r’kami a myasugat a covid a negosyo ami (Pagpalain sana kayong lahat dahil nabigyan nyo kaming mga mahihirap ng pansin katulad naming naapektohan ng covid ang negosyo),” pahayag ni Babo Sapiya patungkol sa nais nyang maiparating sa pamunuan ng SLP, MSSD, at ng Bangsamoro government.

“Pagumanang ku su kapital ku. P’ndagang ako sa kap’d a manga dagangan, manga kamo agu s’da. Paklay bu kasi i dagangang ku agu mga l’man ka kurang p’n su puhunang ko (Dadagdagan ko ang kapital ko. Magbebenta ako ng iba’t-ibang putahe. Paklay lamang po kasi at itlog (ang binibenta ko) dahil kulang pa po ang puhunan ko),” sagot ni Babo Sapiya sa tanong kung papaano nya gagastusin ang natanggap na tulong. (Jidday Lucman, MSSD BARMM)