Philippines Standard Time:

Today is:

Thursday

Rajab 9, 1446 AH

January 09, 2025

Ngayong National Indigenous Peoples’ Month, kilalanin natin ang isa sa mga katutubong benepisyaryo ng MSSD sa ilalalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Modified Conditional Cash Transfer for Indigenous Peoples (MCCT-IP).

Ngayong National Indigenous Peoples’ Month, kilalanin natin ang isa sa mga katutubong benepisyaryo ng MSSD sa ilalalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Modified Conditional Cash Transfer for Indigenous Peoples (MCCT-IP).

“Nagpapasalamat ako dahil napabilang ako sa mga benepisyaryo ng 4Ps MCCT-IP. Natulungan po sa pag-aaral ang aking anim na anak. May college na rin po akong anak,” pagsasaad ni Merly Canete, 47 anyos, parent leader at benepisyaryo ng 4Ps sa Brgy. Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Sa pagsasaka ni Merly at pagiging porter sa airport ng kanyang asawa nila binubuhay ang kanilang pamilya. Kung kaya’t malaki ang pasalamat nya nang sila ay mapabilang sa 4Ps MCCT-IP. Ayon kay Merly, bukod sa pinansyal na tulong na natatanggap, marami rin syang natututunan sa programa.

“Marami rin po akong mga natutunan sa pamamagitan ng aming mga Family Development Sessions (FDS) dahil sa monthly na lectures po sa aming mga benepesyaryo,”pahayag ni Merly.

Payo ni Merly sa kanyang mga kapwa benepisyaryo: “Sa mga katulad kong benepisyaryo ng 4Ps MCCT-IP, ingatan po natin ang binibigay sa ating tulong. Pag-aralin natin ang mga anak natin. Gastusin po natin ng tama ang perang natatanggap natin sa 4Ps.”

📌𝗙𝗼𝗹𝗹𝗼𝘄 𝗠𝗦𝗦𝗗 𝗳𝗼𝗿 𝗺𝗼𝗿𝗲 𝘂𝗽𝗱𝗮𝘁𝗲𝘀!
FB: @MSSDBangsamoro
IG: @mssdbangsamoro
Twitter: @MSSDBangsamoro

#MSSD #BARMM
#UpliftingBangsamorolives
#MoralGovernance

blank

Source