Philippines Standard Time:

Today is:

Wednesday

Rajab 22, 1446 AH

January 22, 2025

Nagbigay ng tulong pinansyal ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) sa 445 na pamily

blank

Nagbigay ng tulong pinansyal ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) sa 445 na pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa sunog na tumupok sa isang bahagi ng Barangay Recodo, Zamboanga City. Ang tulong pinansyal, na nagkakahalaga ng P10,000.00 kada pamilya, ay ipinamahagi noong Oktubre 30, 2021 ng mga kawani ng MSSD mula sa Sulu provincial office, sa tulong ng mga Registered Social Workers at 4Ps workers ng MSSD na nakabase sa Zamboanga City. Nagkaroon ng koordinasyon ang MSSD sa Zamboanga City Social Welfare and Development Office (CSWDO) para sa relief assistance na nabanggit.

Ang mayoridad ng mga nasalanta ng sunog ay mga Bangsamorong naninirahan sa nasabing lungsod.

blank
blank
blank
blank
blank

Source