Philippines Standard Time:

Today is:

Sunday

Rabi Al Thani 3, 1446 AH

October 06, 2024

May 26, 2022: MSSD-Indanan

blank

Kwento ng ulirang ama na nakatanggap ng tulong mula sa MSSD-Sulu-Indanan

Noong May 12, 2022 isang ama ang lumapit sa MSWO ng Indanan para humingi ng tulong dahil ang kanyang anak ay na admit sa Sulu Provincial Hospital. Isang PWD ang kanyang anak na na-diagnosed with valvular heart disease. Araw-araw ay pinapabili sila ng gamot ngunit hindi na niya alam kung saan kukuha dahil siya ay isang magsasaka kung saan tatlong buwan pa saka siya makaka harvest ng niyog na kanyang binabantayan. Dahil sa kulang ang kanyang dalang documents pinayuhan siya ng MSWO na bumalik sa hospital para humingi ng billing statement bilang attachment sa kanyang paghingi ng tulong subalit hindi siya binigyan kasi binibigay lang daw ang billing statement sa isang pasyente kung siya ay lalabas na ng hospital kaya instead na billing statement, ang binigay sa kanya ay isa na namang resibo ng gamot para sa araw na iyon kaya pagbalik niya sa opisina ng MSWO hindi niya naiwasang hindi mapaiyak dahil sa hindi na niya alam kung saan kukuha ng pambili…sabay sabi pupunta muna ako ng bukid ma’am baka may makukuha akong konting niyog duun na maibenta para lang sa ngayong araw na gamot ng aking anak ma’am.
Pagka-approved kaagad ng financial request ng MSWO para sa kanya ay tinawagan kaagad siya ng MSWO ngunit hindi siya ma-contact dahil nasa bukid daw, buti na lang na-contact yong isang anak niyang babae kaya agad pinuntahan ang ama.
Hinintay siya ng MSWO hanggang quarter to 6pm ngunit hindi siya dumating. While nasa coffee shop ang MSWO nakatawag siya na kararating lang niya kaya pinahabol na siya ng MSWO sa coffee shop dahil mawawala ang MSWO ng ilang araw for training.
Pumunta siya sa bukid sa pagbabakasakaling may ma-harvest siyang niyog dahil ang payo ng doctor ay dalhin sa Zamboanga ang anak niya. Hindi niya naiwasang hindi mapahagulgol ng tanggapin ang assistance sabay sabi “TUHAN NA IN MAINGAT TUMUNGBAS KAYMU MA’AM HA TABANG MO, ANAK KO INI IN KALASAHAN KO TUUD HA KATAN ANAK KO PASAL SIN AUN SALLA NIYA DAING PAG-ANAK KANYA”maykapal na ang marunong magbigay ng gantimpala sayo dahil sa tulong mo, anak kong ito ang pinakamamahal ko sa lahat ng mga anak ko dahil sa may kapansanan siya mula pagkapanganak sa kanya. Bilang social worker dapat hindi apektado sa nararamdaman ng ating clients pero sa isang amang nakikita mong humahagulgol dahil sa pagmamahal niya sa kanyang anak ay hindi mo maiiwasang mapaiyak din.
Siya ay nakatanggap ng P30,000.00 mula sa MSSD sa programang Bangsamoro Critical Assistance in Response to Emergency Assistance ( BCARES).

#mssdbarmm
#upliftingbangsamorolives
#serbisyongbangsamoro
#moralgovernance

blank
blank

Source