“Lubos po kaming nagpapasalamat dahil sa edad naming ito, kagaya ko na 76 years old, ay mararanasan naming makatanggap ng biyayang ito. Malaking tulong ito para sa aming mga mahihirap na senior citizen na may iniindang sakit.”
-Intan P. Alamada, 76 years old, senior citizen
Isa sya sa mga nakatanggap ng Hadiya care package na nakatakdang ipamahagi ng MSSD sa mga kwalipikadong senior citizens sa BARMM bilang suporta sa kanilang pangangailangan. Bahagi ito ng programang Hadiya: Care Packages for Elderly Bangsamoro na pormal nang inilunsad ngayong araw sa Barangay Simsiman, Pigcawayan, Special Geographic Area.
BASAHIN: https://web.facebook.com/MSSDBangsamoro/posts/pfbid02x5iMhSJXhkgXMZU53wRAWsdRzhkKJSovewwd2deAviHU4cQKZnrkbJ8hcJMrGRP5l