Philippines Standard Time:

Today is:

Monday

Rajab 6, 1446 AH

January 06, 2025

Kaugnay sa pananalasa ng #BagyongPaeng sa buong BARMM, ang MSSD ay kasalukuyang tumutugon sa mga mam

blank

Kaugnay sa pananalasa ng #BagyongPaeng sa buong BARMM, ang MSSD ay kasalukuyang tumutugon sa mga mamamayang apektado ng pagbaha.

Kasama ang BARMM READi at iba pang ahensya ng BARMM, nakahanda na ang food, non-food items, WASH facilities at iba pang prepositioned goods o stocks upang masiguro na mahatid ang pangunahing pangangailangan ng mga apektado.

Naihatid na rin ng MSSD ang bigas at 700 Ready-to-Eat (RTE) meals sa Disaster Risk Reduction and Management Office (DRMMO) ng Cotabato City na lubos na nasalanta bunsod ng matinding pag-ulan. Ang 500 na RTEs mula sa MSSD Maguindanao Provincial Office ay agarang napaabot na sa mga apektadong pamilya.

Maliban dito, ang RTE meals para sa 56 na residente ng Brgy. Rosary Heights 7, Cotabato City na kasalukuyang nanunuluyan sa opisina ng MSSD regional office ay naipamigay na.

Patuloy na nagsasagawa ang mga fieldworkers ng MSSD ng monitoring, assessment at koordinasyon sa mga LGU bilang paghahanda sa relief operations sa iba’t-ibang probinsya.

blank

Source