Ang kumakalat na 4Ps Membership Registration Form ay hindi po nagmula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ng MSSD na syang namamahala ng programa sa BARMM. Ito po ay mula sa isang party list mula sa Calaca, Batangas na ang ibig sabihin ay Pagtibayin at Palaguin ang Pangkabuhayang Pilipino. Ang 4Ps ng DSWD o MSSD ay walang anumang kaugnayan sa party list na ito.
Wala pong Membership Registration Form na pinapamahagi upang maging miyembro ng 4Ps dahil ang enrolment sa programa ay nakabatay sa resulta ng Listahanan survey ng DSWD na isinagawa kada tatlong taon. Noong 2020 pa lamang po ang huling Listahanan Survey ang naganap. Ang resulta ng Listahanan ang tumutukoy kung sino at saan ang mga mahihirap sa isang komunidad na dapat maipasok sa programa.
Maaaring ipagbigay alam po sa amin dito sa facebook o kaya’y sa 4Ps-BARMM hotline 09553545972 at 09059052512 kung may karagdagang katanungan kayo tungkol ditto.
Salamat po.