Philippines Standard Time:

Today is:

Thursday

Jumada Al Oula 19, 1446 AH

November 21, 2024

Malaki ang pasasalamat ni Johaira Basher, 32 taong gulang, solo-parent at isa sa mga benepesyaryo ng Unlad Pamilyang Bangsamoro Program ng MSSD sa Brgy. Linuk, Madalum, Lanao del Sur sa kanyang matatanggap na dagdag kapital mula sa ministro.

Malaki ang pasasalamat ni Johaira Basher, 32 taong gulang, solo-parent at isa sa mga benepesyaryo ng Unlad Pamilyang Bangsamoro Program ng MSSD sa Brgy. Linuk, Madalum, Lanao del Sur sa kanyang matatanggap na dagdag kapital mula sa ministro.

Mula nang mawala ang kanyang asawa, mag-isa nang itinataguyod ni Johaira ang pag-aalaga sa kanyang tatlong anak at paghahanapbuhay.

“𝘼𝙡𝙝𝙖𝙢𝙙𝙪𝙡𝙞𝙡𝙡𝙖𝙝 𝙢𝙖𝙡𝙖𝙠𝙞𝙣𝙜 𝙩𝙪𝙡𝙤𝙣𝙜 𝙞𝙩𝙤𝙣𝙜 𝙙𝙖𝙜𝙙𝙖𝙜 𝙠𝙖𝙥𝙞𝙩𝙖𝙡 𝙨𝙖 𝙖𝙢𝙞𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮𝙖𝙣 𝙡𝙖𝙡𝙤𝙣𝙜-𝙡𝙖𝙡𝙤 𝙣𝙖 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙨𝙤𝙡𝙤-𝙥𝙖𝙧𝙚𝙣𝙩𝙨 𝙣𝙖 𝙠𝙖𝙜𝙖𝙮𝙖 𝙠𝙤. 𝙔𝙪𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙪𝙣𝙖𝙣𝙜 𝙩𝙪𝙡𝙤𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮𝙖𝙣 𝙣𝙖 𝙣𝙖𝙩𝙖𝙣𝙜𝙜𝙖𝙥 𝙠𝙤, 𝙜𝙞𝙣𝙖𝙢𝙞𝙩 𝙠𝙤 𝙮𝙪𝙣 𝙨𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙥𝙖𝙥𝙖𝙡𝙖𝙜𝙤 𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙣𝙪𝙠𝙖𝙣 𝙣𝙖𝙢𝙞𝙣𝙜. 𝙉𝙜𝙖𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙮 𝙙𝙖𝙜𝙙𝙖𝙜 𝙠𝙖𝙥𝙞𝙩𝙖𝙡 𝙪𝙡𝙞𝙩 𝙢𝙪𝙡𝙖 𝙨𝙖 𝙈𝙎𝙎𝘿, 𝙥𝙡𝙖𝙣𝙤 𝙠𝙤 𝙥𝙤𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙜𝙗𝙚𝙣𝙩𝙖 𝙣𝙜 𝙨𝙩𝙧𝙚𝙚𝙩𝙛𝙤𝙤𝙙𝙨 𝙩𝙪𝙡𝙖𝙙 𝙠𝙬𝙚𝙠-𝙠𝙬𝙚𝙠 𝙖𝙩 𝙩𝙚𝙢𝙥𝙪𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙡𝙖𝙗𝙖𝙨 𝙣𝙜 𝙖𝙢𝙞𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙝𝙖𝙮,” pagsasaad ni Johaira.

Sa pamamagitan ng kanyang manukan, nakakakuha si Johaira ng pangtustos sa pang-araw-araw na pangangailangan ng kanyang pamilya. Una nang nakatanggap si Johaira noong 2021 ng tulong kabuhayan na PhP 15,000 mula sa MSSD.

Dahil sa pagpupursige at disiplina ni Johaira, naging malago ang kanyang manukan na syang naging pangunahing batayan upang siya ay maging kwalipikado sa scale-up o dagdag kapital na PhP 20, 000 sa ilalim ng Unlad Pamilyang Bangsamoro Program ng MSSD.

“𝙈𝙖𝙧𝙖𝙢𝙞𝙣𝙜-𝙢𝙖𝙧𝙖𝙢𝙞𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙡𝙖𝙢𝙖𝙩 𝙥𝙤 𝙨𝙖 𝙈𝙎𝙎𝘿 𝙖𝙩 𝙨𝙖 𝘽𝙖𝙣𝙜𝙨𝙖𝙢𝙤𝙧𝙤 𝙂𝙤𝙫𝙚𝙧𝙣𝙢𝙚𝙣𝙩. 𝙎𝙖𝙣𝙖 𝙥𝙤 𝙝𝙪𝙬𝙖𝙜 𝙥𝙤 𝙠𝙖𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙩𝙪𝙢𝙞𝙜𝙞𝙡 𝙨𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙩𝙪𝙡𝙤𝙣𝙜 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙩𝙖𝙤𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣𝙜𝙖𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣,” dagdag ni Johaira.

KAUGNAY NITO:
https://www.facebook.com/MSSDBangsamoro/posts/pfbid0R43xPBzZ5ryvbVmWCiLnZug1nE6XHgfdhwkh7dMsYPYdf8NPm4wHkA1VZhP7jnELl

📌𝗙𝗼𝗹𝗹𝗼𝘄 𝗠𝗦𝗦𝗗 𝗳𝗼𝗿 𝗺𝗼𝗿𝗲 𝘂𝗽𝗱𝗮𝘁𝗲𝘀!
FB: @MSSDBangsamoro
IG: @mssdbangsamoro
Twitter: @MSSDBangsamoro
#MSSD #BARMM
#UpliftingBangsamorolives
#MoralGovernance

blank

Source