Labis ang pasasalamat ni Sonaya Mamolawan Sahidudin, 22 taong gulang, 3rd college student sa Mindanao State University at isa sa mga benepesyaryong nakatanggap ng educational assistance sa ilalim ng Unlad Pamilyang Bangsamoro Program mula sa Brgy. Dilabayan, Bacolod-Kalawi, Lanao del Sur.
Suma-sideline sa pagiging karpentero at construction worker ang ama ni Sonaya habang ang kanyang ina naman ay nagtatanim ng mga gulay sa kanilang bakuran bilang pangtustos sa pang-araw-araw na pangangailangan ng kanilang pamilya.
“𝙈𝙖𝙧𝙖𝙢𝙞𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙡𝙖𝙢𝙖𝙩 𝙨𝙖 𝙥𝙧𝙤𝙜𝙧𝙖𝙢𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙩𝙤 𝙣𝙜 𝙈𝙎𝙎𝘿 𝙙𝙖𝙝𝙞𝙡 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙗𝙞𝙡𝙖 𝙣𝙜 𝙠𝙧𝙞𝙨𝙞𝙨 𝙣𝙜𝙖𝙮𝙤𝙣, 𝙢𝙖𝙠𝙖𝙠𝙖𝙩𝙪𝙡𝙤𝙣𝙜 𝙞𝙩𝙤𝙣𝙜 𝙚𝙙𝙪𝙘𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣𝙖𝙡 𝙖𝙨𝙨𝙞𝙨𝙩𝙖𝙣𝙘𝙚 𝙨𝙖 𝙖𝙠𝙞𝙣𝙜 𝙥𝙞𝙣𝙖𝙣𝙨𝙮𝙖𝙡 𝙣𝙖 𝙥𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣𝙜𝙖𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝙥𝙖𝙜-𝙖𝙖𝙧𝙖𝙡. 𝙋𝙧𝙤𝙗𝙡𝙚𝙢𝙖 𝙠𝙤 𝙥𝙤 𝙠𝙖𝙨𝙞 𝙮𝙪𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙣𝙜-𝙪𝙣𝙞𝙛𝙤𝙧𝙢 𝙠𝙤 𝙨𝙖 𝙘𝙤𝙡𝙡𝙚𝙜𝙚 𝙖𝙩 𝙙𝙖𝙞𝙡𝙮 𝙚𝙭𝙥𝙚𝙣𝙨𝙚𝙨 𝙠𝙤 𝙥𝙤 𝙨𝙖 𝙥𝙖𝙜-𝙖𝙖𝙧𝙖𝙡 𝙡𝙞𝙠𝙚 𝙨𝙘𝙝𝙤𝙤𝙡 𝙨𝙪𝙥𝙥𝙡𝙞𝙚𝙨 𝙖𝙩 𝙥𝙖𝙣𝙜𝙠𝙖𝙞𝙣. 𝘼𝙡𝙝𝙖𝙢𝙙𝙪𝙡𝙞𝙡𝙡𝙖𝙝 𝙙𝙖𝙝𝙞𝙡 𝙢𝙖𝙡𝙖𝙠𝙞𝙣𝙜 𝙩𝙪𝙡𝙤𝙣𝙜 𝙥𝙤 𝙞𝙩𝙤𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙩𝙖𝙣𝙜𝙜𝙖𝙥 𝙠𝙤,” pagsasaad ni Sonaya.
Kabilang ang kanyang ina sa mga nabigyan ng tulong kabuhayan ng MSSD sa kanilang munisipyo. At dahil sa mas pinalawak na saklaw ng Unlad Pamilyang Bangsamoro Program kung saan bukod sa dagdag kapital ay mabibigyan rin ng educational assistance ang mga anak ng mga benepesyaryong may mga maliliit na negosyo.
📌𝗙𝗼𝗹𝗹𝗼𝘄 𝗠𝗦𝗦𝗗 𝗳𝗼𝗿 𝗺𝗼𝗿𝗲 𝘂𝗽𝗱𝗮𝘁𝗲𝘀!
FB: @MSSDBangsamoro
IG: @mssdbangsamoro
Twitter: @MSSDBangsamoro
#MSSD #BARMM
#UpliftingBangsamorolives
#MoralGovernance