Tatlumpoโt limang college students na napapabilang sa mahihirap na pamilya sa Tandubas, Tawi-tawi ang nakatanggap ng tig-sampung libong pisong tulong pinansyal mula sa MSSD Tawi-tawi noong ika-dalawapo ng Nobyembre nitong taon.
Samantala, kahapon naman, ika-26 ng Nobyembre nitong taon, animnapuโt apat na mga estudyante sa elementary at high school rin sa bayan ng Sibutu ang nakatanggap ng educational assistance mula sa MSSD Tawi-tawi.
Sa kabuoan ng mga nakatanggap na benepesyaryo sa nasabing bayan, tatlumpoโt walo sa kanila ang high school students na nakatanggap ng tig-isang libo at limang daang piso at dalawampuโt anim naman na mula sa elementarya ang nakatanggap ng tig-isang libong piso.
Ito ay sa ilalim ng Angat Bangsamorong Kabatan: Tungo sa Karunungan Program o mas kilala sa tawag na ABK Program ng MSSD na naglalayong tulungan ang mga mahihirap na estudyanteng itaguyod ang kanilang pag-aaral lalo na ngayong panahon ng pandemya.