Sa pagbabago ng mekanismo sa pagbigay ng cash grants sa mga benepesyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Bangsamoro region mula sa dating nakaugaliang over-the-counter manual payout na ngayon ay sa pamamagitan na ng Automated Teller Machines (ATM) ng Land Bank of the Philippines, nagpatuloy ang pamamahagi ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) Lanao del Sur A Provincial Office ng EMV cash cards sa mga benepesyaryo nitong nakaraang February 14 โ 17, 2022, sa Landbank Branch ng Marawi City, Lanao del Sur.
Ayon kay Juhair Gubat Ampay, OIC Social Welfare Officer III ng 4Ps LSA, sa kabuuang target na 32, 843 na households, umabot na sa 11, 860 sa kasalukuyan ang dami ng mga benepesyaryo ng 4Ps na nakatira sa mga munisipyo na napapaloob sa saklaw ng MSSD Lanao del Sur A ang nakatanggap ng kanilang cash cards.
Inaasahang magpapatuloy pa rin ang pagsasagawa ng validation ng mga Municipal Links (MLs) sa mga isinumeteng mga dokumento ng mga benepesyaryo at pagsasaayos ng iba pang mga system errors.
Ang pagbabago sa sistemang ito ng 4Ps BARMM ay nag-umpisa sa isinagawang pre-validation ng mga municipal links noong nakaraang taon na kung saan ay ang mga kwalipikadong benepesyaryo lamang na may tamang pagkakakilanlan tulad ng pagkakaroon ng identification cards at tamang mga dokumento ang nirerekomendang bigyan ng cash cards.
Nagpapatupad rin ng biometric cross-matching ang 4Ps BARMM upang masiguro na ang nararapat na benepesyaryo ang syang tatanggap at upang maiwasan na rin ang pagdodoble o maling representasyon.
(Photos from MSSD Lanao del Sur A)
#๐จ๐ฝ๐น๐ถ๐ณ๐๐ถ๐ป๐ด๐๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐บ๐ผ๐ฟ๐ผ๐๐ถ๐๐ฒ๐
#๐ ๐ผ๐ฟ๐ฎ๐น๐๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ
#๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ๐ป๐ด๐๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐บ๐ผ๐ฟ๐ผ
#๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ๐ป๐ด๐ง๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐
#๐ ๐ฆ๐ฆ๐๐ฎ๐๐ฌ๐ผ๐๐ฟ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐ฐ๐ฒ
#๐ ๐ฆ๐ฆ๐
#๐ ๐ฆ๐ฆ๐๐๐๐ฅ๐ ๐