AASAHANG magiging tuloy-tuloy na ang pagdaloy ng mga programa ng BARMM para sa mga taga Cotabato City tulad PWDs, solo parents, senior citizens, mga mahihirap na estudyante at maraming iba pa.
Kasunod ito ng ginawang pag-uusap ng Cotabato City Government sa pangunguna ni City Mayor Bruce Dela Cruz Matabalao, MSSD BARMM at DSWD 12.
Ginanap ngayong araw, July 14, ang pag-uusap ng MSSD BARMM at DSWD 12 na pinangunahan ni Minister Atty. Raissa Jajurie ng BARMM at Assistant Regional Director Bailano Adil Salik ng Region 12 at kani-kanilang mga kinatawan.
Pangunahing napagkasunduan ang turn-over ng mga kasalukuyang pasilidad at programa ng DSWD 12 sa Cotabato City patungo sa BARMM MSSD.
Dahil dito, siguradong tuloy-tuloy na ang mga ang social services PARA SA LAHAT ng Cotabateños.
Photo Credit: Cotabato City Mayor Bruce Dela Cruz Matabalao.