Philippines Standard Time:

Today is:

Thursday

Rajab 9, 1446 AH

January 09, 2025

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡| Tinungo ni MSSD Minister Atty. Raissa H. Jajurie kasama ang mga fieldworkers ng ministro an

blank

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡| Tinungo ni MSSD Minister Atty. Raissa H. Jajurie kasama ang mga fieldworkers ng ministro ang isang batang may kapansan upang personal na ihatid ang assistive device na wheelchair at cash assistance sa ilalim ng Kalinga Para sa May Kapansanan Program nitong Miyerkules, Hulyo 20, 2022 sa Brgy. Batulawan, Pikit Cluster, BARMM Special Geographic Area.

Pangalawa sa tatlong anak ng mag-asawang sina Guiapal Sema, isang karpentero at Farida Kamal, isang labandera si Bai, 10 na taong gulang, isang batang may inborn orthopedic disability o kapansanan sa buto mula nang ito ay isilang

Ayon kay Farida, ina ng bata, pinagkakasya lamang nila ng kanyang asawa ang kanilang kita pangtustos sa pang-araw-araw na pangangailangan ng kanilang pamilya lalo na ang kanilang pangalawang anak kung kaya’t malaking tulong diumano sa kanila ang mapabilang si Bai sa mga benepesyaryo ng programa ng MSSD.

“𝗦𝗵𝘂𝗸𝗿𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗻𝗴𝘂𝗻 𝘁𝗶𝗺𝗮𝗯𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗹𝗲𝗸𝗮𝗺𝗶. 𝗠𝗮𝘀𝗹𝗮 𝗴𝗲𝘆𝗱 𝗶 𝘁𝗮𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗻𝘆𝗮 𝗯𝗮 𝘄𝗵𝗲𝗲𝗹𝗰𝗵𝗮𝗶𝗿 𝗮𝗻𝘆𝗮 𝗸𝗮 𝗱𝗶 𝗸𝗮𝗺𝗶 𝗿𝗲𝗻 𝗴𝗮𝗽𝗮𝘀𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗽𝗲𝗱𝘀𝗮𝗽𝘄𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝘄𝗮𝘁𝗮 𝗮𝗺𝗶 (Maraming salamat sa lahat ng tumulong sa amin. Malaking tulong po itong wheelchair dahil hindi na kami mahihirapan sa pagkakarga ng anak namin),” pagsasaad ni Farida.

📌𝗔𝗻𝗴 𝗠𝗦𝗦𝗗 𝗮𝘆 𝗻𝗮𝘀𝗮 𝗜𝗻𝘀𝘁𝗮𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗮𝘁 𝗧𝘄𝗶𝘁𝘁𝗲𝗿 𝗿𝗶𝗻!
I-follow lamang ang https://twitter.com/MSSDBangsamoro at https://www.instagram.com/mssdbangsamoro/ para mas maging updated!

#𝗨𝗽𝗹𝗶𝗳𝘁𝗶𝗻𝗴𝗕𝗮𝗻𝗴𝘀𝗮𝗺𝗼𝗿𝗼𝗟𝗶𝘃𝗲𝘀 #𝗠𝗼𝗿𝗮𝗹𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲
#𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴𝗕𝗮𝗻𝗴𝘀𝗮𝗺𝗼𝗿𝗼 #𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴𝗧𝗮𝗽𝗮𝘁
#𝗠𝗦𝗦𝗗𝗮𝘁𝗬𝗼𝘂𝗿𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲 #𝗠𝗦𝗦𝗗 #𝗠𝗦𝗦𝗗𝗕𝗔𝗥𝗠𝗠

blank
blank
blank
blank

Source