Philippines Standard Time:

Today is:

Thursday

Rajab 9, 1446 AH

January 09, 2025

Maguindanao Distribution Report 2022

Assalamu’alaikum warahmatullahi wabarakatuh!

Salungat sa isang facebook post, nais linawin ng Ministry of Social Services and Development na 76,343 beneficiaries na mula sa 36 na munisipyo ng Maguindanao Province ang nakatanggap ng welfare goods mula sa MSSD mula Enero hanggang Hunyo 2022.

Ang iba’t ibang uri ng relief goods ay ipinamamahagi sa mga pamilyang lumilikas dahil sa sakuna tulad ng baha, landslide o armadong tunggalian.

Nakatanggap rin ang mga mahihirap na pamilya kabilang na ang mga driver ng iba’t ibang uri ng pampublikong sasakyan noong panahon na sunod-sunod ang pagtaas ng presyo ng gasolina.

Namahagi rin ang MSSD ng bigas bilang suporta sa Resbakuna Laban sa COVID ng BARMM.

Naipapaabot rin ng MSSD and tulong sa mga nasunugan at mga naapektuhan ng pandemya, mga malnourished na bata, at mga sinusuportohan ng MSSD ng livehood assistance grants.

Lahat ng procurement ng MSSD ay batay sa RA 9184 o ang Government Procurement Reform Act. Sumasailalim sa competitive bidding process ang mga prospective bidders kung saan naroon din ang kinatawan ng COA. Mula 2020 hanggang 2022, ay may 15 suppliers ang MSSD para sa iba’t ibang uri ng welfare goods sa probinsya ng Maguindanao.

Alinsunod sa regulasyon, ang mga nabibiling welfare goods ng MSSD ay sumasailalim sa masusing inspection kasama ang ibang ahensya ng gobyerno bago ito ipamahagi sa mga beneficiaries.

Nais naming tiyakin na lubos na pinapahalagahan ng MSSD ang kapakanan at proteksyon ng mga residente ng Maguindanao, at iba pang mga lalawigan, siyudad at barangays ng BARMM, kasama na ang iba pang Bangsamoro communities sa labas ng rehiyon, lalo na sa panahon ng sakuna at lubos na pangangailangan.

Shukran.

Maguindanao Distribution Report 2022

Source