Nais pong ipaalam ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) na may sarili itong nakalaang programang tumutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral na kabilang sa mahihirap na pamilya sa BARMM na tinatawag na ๐๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐บ๐ผ๐ฟ๐ผ: ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ง๐๐ป๐ด๐ผ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ฟ๐๐ป๐๐ป๐ด๐ฎ๐ป (๐๐๐ฎ๐๐ฎ) ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฎ๐บ mula pa noong taong 2020.
Naiiba po ang ABaKa Program sa Educational Assistance Program ng DSWD na gusto nilang ipatupad sapagkat ang MSSD ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) po ay hindi kabilang sa mga field offices ng DSWD.
Sa ilalim ng programang ito, ang mga kwalipikadong benepisyaryong mag-aaral ay maaring makatanggap ng sumusunod na educational subsidy:
โ๏ธ๐๐ก๐ง๐๐ฆ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐-๐๐๐ฅ๐๐
โ๏ธ๐๐๐๐๐๐๐ก๐ ๐ ๐๐ง๐๐ง๐๐ก๐๐๐๐ฃ (๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฎ)
โ๏ธ๐๐๐๐๐ฆ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐ง๐๐ก๐๐๐๐ฃ
๐ Kindergarten at Elementary
-PhP 2,000
-Isang beses sa isang taon
๐Junior High School
-PhP 3,000
-Isang beses sa isang taon
๐Senior High School
-PhP 3,000
-Isang beses sa isang taon
๐Voc-Tech Courses
-PhP 10,000
-Isang beses sa isang taon
๐College
-PhP 10,000
-Isang beses sa isang taon
๐๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ธ๐๐ฎ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ธ๐ฎ๐ฑ๐ผ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ฝ๐ฎ๐ด-๐๐ด๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ ๐ฆ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ป๐ถ๐ฐ๐ถ๐ฝ๐ฎ๐น ๐ฆ๐ผ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐น ๐ช๐ฒ๐น๐ณ๐ฎ๐ฟ๐ฒ ๐ข๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฒ๐ฟ๐ (๐ ๐ฆ๐ช๐ข๐) ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐๐ป๐ถ๐๐ถ๐ฝ๐๐ผ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐๐๐๐ฟ๐ถ ๐ฎ๐ ๐ฏ๐ฎ๐น๐ถ๐ฑ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป.
Prayoridad ng educational assistance ng MSSD sa ilalim ng ABaKa Program ang mga sumusunod:
โข Kabilang sa mahirap, bulnerable, at may maliit na kitang pamilya;
โข Working student;
โข Naka-enrol sa pampublikong paaralan, vocational-technical schools, state universities and colleges o (SUCs);
โข Naka-enrol sa pribadong paaralan ngunit nasa ilalim ng scholarship program o walang kakayahan ang pamilyang magpaaral;
โข Mula sa pamilyang lubos na apektado ng kaguluhan o kalamidad; at
โข Kapamilya ng isang breadwinner na nadeport o nakabalik sa BARMM o Pilipinas.
Dahil sa pagkakaroon ng limitadong pondo at kakayahan ng ahensya, ang ABaKa Program ay mayroong sinusunod na scoring at ranking system na syang batayan sa pagpili ng kwalipikadong benepisyaryo base sa sumusunod:
๐๐๐ง๐๐๐ข๐ฅ๐ฌ๐ ๐ฃ๐จ๐ก๐ง๐ข๐ฆ
๐. ๐ฃ๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐๐๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป
A. Pinansyal na estado ng pamilya
Mababa sa PhP 5,000 bawat buwan—————————-5pts.
PhP 5,000 โ PhP 10,000 bawat buwan————————–3pts.
Higit PhP 10,000 bawat buwan———————————-1pt.
B. Dami ng mga kapatid na nag-aaral
Higit 5 ang kapatid na nag-aaral——————————–5pts.
3 – 4 ang kapatid na nag-aaral———————————-3pts.
2 ang kapatid na nag-aaral————————————-2pts.
Nag-iisang anak na nag-aaral———————————-1pt.
C. Dami ng mga kapatid na hindi nakakapag-aral
Higit 5 ang kapatid na hindi nag-aaral—————————5pts.
3 – 4 ang kapatid na hindi nag-aaral—————————–3pts.
2 ang kapatid na hindi nag-aaral———————————2pts.
Nag-iisang anak na hindi nag-aaral——————————1pt.
๐๐. ๐๐๐ฝ๐ฒ๐๐๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป
Ang mag-aaral ay may kapansanan (pisikal, sa pag-iisip, psycho-social)——————5pts.
Ang mag-aaral ay apektado ng kaguluhan o kalamidad——–5pts.
Ang mag-aaral ay nakaligtas mula sa gender-based violence–5pts.
Ang kapamilyang nag-iisang tumutostos sa pangangailangan ng mag-aaral ay nadeport o nakabalik sa BARMM o Pilipinas—–5pts.
Ang magulang ng mag-aaral ay solo parent——————–5pts.
๐๐๐. ๐๐ธ๐ฎ๐ฑ๐ฒ๐บ๐ถ๐ธ๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ด๐ฎ๐ป๐ฎ๐ฝ ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ
May general weighted average (GWA) na 90 pataas————5pts.
May general weighted average (GWA) na mula 80 hanggang 89—-3pts.
May general weighted average (GWA) na 79 at pababa——–1pt
๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ต๐ถ๐ต๐ถ๐ด๐ถ๐ ๐๐ฎ ๐ฑ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด (๐ฎ) ๐ธ๐๐ฎ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ธ๐ฎ๐ฑ๐ผ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ถ๐น๐๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ฝ๐ฝ๐น๐ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฎ๐บ๐ฎ.
Muli po, hindi po kasali ang MSSD sa educational assistance ng DSWD. Bagkus, mayroong sariling programa ang MSSD na tinatawag na ABaKa, na may sariling kwalipikasyon para sa mga benepisyaryo, halaga ng tulong, at proseso ng pag-apply.
Para sa kumpletong impormasyon tungol sa ABaKa Program, i-download lamang po ang sumusunod na dokumento ๐ https://bit.ly/MSSDABK
Maraming salamat po.