90 beneficiaries na hindi kabilang sa Kathanor List ang tumanggap ng PHP 5,000.00 mula sa Bangsamoro Government sa pamumuno ng Marawi Rehabilitation Program (BARMM-MRP) at Ministry of Social Services and Development (MSSD). Ginanap ito sa Mapandi Memorial College Gymnasium, Marawi City noong Huwebes, December 9, 2021. Ito ang kauna-unahang payout na naganap sa ilalim ng programang ito.
Ang Financial Assistance for IDPs Excluded from Kathanor List ay isang inisyatibo ng MSSD kung saan magbibigay ng PHP 5,000 sa 9,897 IDPs kabilang ang mga renters at sharers mula sa Most Affected Areas (MAA).
Ito ay inaprubahan ng Program Steering Committee ng BARMM MRP bilang tugon sa Marawi IDPs na hindi nakapag-biometric at hindi nakatanggap ng financial assistance mula sa regular na programa ng MSSD para sa mga IDPs na kabilang sa Kathanor List.
Para sa IDPs na nais mapabilang sa programang ito, maaaring bumisita at mag-apply sa tanggapan ng Program Management Office (BARMM-MRP PMO) sa loob ng MPW Compound, Matampay, Marawi City.
Siguraduhin lamang na mai-presenta ang mga sumusunod:
• Household profile na may house tag
• ID na may address sa MAA o valid na government-issued ID
• Filled out kathanor form na pirmado ng isang authorized official na nagpapatunay na nacompleto ang steps 1 to 3 noong kathanor/biometric.
• Bilang renter – katibayan tulad ng business permit o lease contract
• Bilang house owner – titulo sa sariling lupa sa MAA o tax declaration
• Bilang sharer – mga katibayan ng pagiging sharer sa MAA
Kasabay nito, tumanggap din ng PHP 15,000 seed capital ang 46 Bangsamoro Sagip Kabuhayan Project beneficiaries na hindi nakarating noong December 8 payout.