COTABATO CITY – Tinungo ng mga field workers ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) sa Cotabato City kasama ang Philippine Red Cross o (PRC) Cotabato Chapter noong April 25, 2022 ang Sitio Kidepo ng Barangay Kalanganan I at Purok II ng Mother Barangay Kalanganan, Cotabato City upang mamahagi ng relief goods sa limampo’t dalawang (52) pamilyang nawalan ng tirahan matapos ang hagupit ng ipo-ipo na nanalasa noong April 21.
Ang bawat pamilya ay nakatanggap ng tig-25 kilo ng bigas, trapal, at sleeping kit.
Isinagawa ang distribusyon ng dalawang ahensya alinsunod sa pinirmahang memorandum of agreement o (MOA) na kung saan makikipagtulungan ang MSSD sa PRC sa pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayang apektado ng sakuna.
(Photos from MSSD Cotabato City)
#𝗨𝗽𝗹𝗶𝗳𝘁𝗶𝗻𝗴𝗕𝗮𝗻𝗴𝘀𝗮𝗺𝗼𝗿𝗼𝗟𝗶𝘃𝗲𝘀 #𝗠𝗼𝗿𝗮𝗹𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲 #𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴𝗕𝗮𝗻𝗴𝘀𝗮𝗺𝗼𝗿𝗼 #𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴𝗧𝗮𝗽𝗮𝘁 #𝗠𝗦𝗦𝗗𝗮𝘁𝗬𝗼𝘂𝗿𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲 #𝗠𝗦𝗦𝗗 #𝗠𝗦𝗦𝗗𝗕𝗔𝗥𝗠𝗠