Sinalubong ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) Sulu Provincial Office ang apatnapung limang (45) pamilyang Badjao sa port ng Jolo, Sulu noong February 24, 2022.
Ito na ang ika-pitong batch ng mga Badjaos na lumuwas ng syudad na bumalik sa probinsya.
Namahagi naman ng tig-25 kilo ng bigas, food items, hygiene kits, at sleeping kits MSSD Sulu Provincial Office sa bawat pamilya.
Ang nasabing assistance ay sa ilalim ng Humanitarian Assistance and Transfer of Individuals in Distress (HATID) Program ng ministro.
Ang mga pamilya ay inihatid sa kani-kanilang mga bayan sa Sulu tulad ng Jolo, Indanan, Maimbung, Panamao, at Parang.
(Photos from MSSD Sulu Provincial Office)
#๐จ๐ฝ๐น๐ถ๐ณ๐๐ถ๐ป๐ด๐๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐บ๐ผ๐ฟ๐ผ๐๐ถ๐๐ฒ๐ #๐ ๐ผ๐ฟ๐ฎ๐น๐๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ
#๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ๐ป๐ด๐๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐บ๐ผ๐ฟ๐ผ #๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ๐ป๐ด๐ง๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐
#๐ ๐ฆ๐ฆ๐๐ฎ๐๐ฌ๐ผ๐๐ฟ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐ฐ๐ฒ #๐ ๐ฆ๐ฆ๐ #๐ ๐ฆ๐ฆ๐๐๐๐ฅ๐ ๐