Dalawang daan at apatnapong pamilyang apektado ng kaguluhan sa Brgy. Tupig, Carmen ang nakatanggap ng food packs, tig-25 kilo ng bigas, trapal, dignity kits, at sleeping kits mula sa Ministry of Social Services and Development (MSSD) Special Geographic Area Provincial Office noong February 9, 2022.
Ang nasabing mga pamilya mula sa Brgy. Tupig, Carmen ay lumikas patungo sa karatig na barangay nito sa Brgy. Tunganon sa parehong bayan at Brgy. Lawili, Aleosan matapos ang engkwentro sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at armadong grupo na diumanoy may kaugnayan sa grupong Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) noong nakaraang buwan.
Nakipagkoordinasyon sa AFP, Barangay Local Government Unit (BLGU), at Bangsamoro Islamic Armed Force (BIAF) at nagsagawa rin ng house-to-house validation ang mga field workers ng MSSD SGA Provincial Office upang masiguro ang kaligtasan at pag-abot ng tulong para sa mga apektadong residente.
(Photos from MSSD SGA Provincial Office)
#𝗨𝗽𝗹𝗶𝗳𝘁𝗶𝗻𝗴𝗕𝗮𝗻𝗴𝘀𝗮𝗺𝗼𝗿𝗼𝗟𝗶𝘃𝗲𝘀
#𝗠𝗼𝗿𝗮𝗹𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲
#𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴𝗕𝗮𝗻𝗴𝘀𝗮𝗺𝗼𝗿𝗼
#𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴𝗧𝗮𝗽𝗮𝘁
#𝗠𝗦𝗦𝗗𝗮𝘁𝗬𝗼𝘂𝗿𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲
#𝗠𝗦𝗦𝗗
#𝗠𝗦𝗦𝗗𝗕𝗔𝗥𝗠𝗠