Philippines Standard Time:

Today is:

Thursday

Jumada Al Oula 12, 1446 AH

November 14, 2024

𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡: Namahagi ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) ng tulong pinansyal sa mga pasahero ng isang barko na nasunog nitong March 29, 2023 habang ito ay bumabyahe galing Zamboanga City papuntang Jolo, Sulu.

Ngayong araw ay tumanggap ng tig-sampung libong piso (P10,000) ang 37 na nakaligtas sa insidente habang ang mga pamilya ng walong nasawi ay nabigyan ng tig-dalawampu’t limang libong piso (P25,000).

Una nang nabigyan kahapon ng tulong pinansyal ang 69 na survivors habang ang 11 na pasyente na kasalukuyang nagpapagaling sa mga ospital ay tumanggap ng tig-labinlimang libong piso (P15,000).

Lahat ng mga benepisyaryo ng tulong na ito ay binigyan din ng food packs at tig-isang sakong bigas ng MSSD.

BASAHIN: https://www.facebook.com/MSSDBangsamoro/posts/pfbid0G67ugc4vLU55dSUguSRwKchUq9e1eQnK3rgsB1iC8xv42vu1fSy3GoH4HGkeZyG7l

blank
blank
blank
blank

Source