Ngayong Pambansang Buwan ng mga Katutubo, kilalanin natin si Lyndon Roman, isa sa mga benepesyaryo ng Modified Conditional Cash Transfer for Indigenous Peoples (MCCT-IP) ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Ayon kay Lyndon, bilang isang katutubong Te’duray, ipinagmamalaki nya ang kanilang kultura, tradisyon, talento sa pagtugtog ng mga instrumento, at pagluluto ng mga native na pagkain. Pinagmamalaki nya rin ang kanilang husay sa pagsasaka.
Malaki ang pasasalamat ni Lyndon sa mga naitulong sa kanila ng 4Ps MCCT-IP ng dahil bukod sa pinansyal na tulong sa pag-aaral ng kanilang mga anak, itinuturo rin sa kanila kung papaano pa nila mapapalago ang kanilang mga sakahan at garden pati na rin ang pagpapaunlad ng kanilang ma buhay bilang mga katutubo.
Payo ni Lyndon sa kanyang mga kapwa benepesyaryo ng MCCT IP: “𝙂𝙖𝙢𝙞𝙩𝙞𝙣 𝙥𝙤 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣 𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙢𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙣𝙞𝙡𝙖𝙖𝙣𝙜 𝙩𝙪𝙡𝙤𝙣𝙜 𝙣𝙜 𝙜𝙤𝙗𝙮𝙧𝙚𝙧𝙣𝙤 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙖𝙩𝙞𝙣 𝙙𝙖𝙝𝙞𝙡 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙠𝙞𝙣𝙖𝙗𝙪𝙠𝙖𝙨𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙖𝙣𝙖𝙠 𝙖𝙩 𝙥𝙖𝙢𝙞𝙡𝙮𝙖 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙩𝙪𝙡𝙤𝙣𝙜 𝙣𝙖 ‘𝙮𝙖𝙣. ‘𝙔𝙖𝙣 𝙙𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙧𝙖𝙖𝙣 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙢𝙖𝙥𝙖𝙪𝙣𝙡𝙖𝙙 𝙖𝙩 𝙢𝙖𝙠𝙖𝙖𝙝𝙤𝙣 𝙩𝙖𝙮𝙤 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙝𝙞𝙧𝙖𝙥𝙖𝙣.”
Ang MCCT ay isa sa mga bahagi ng 4Ps na tumutugon sa mga pinakabulnerableng pamilya na hindi na kabilang sa Regular Conditional Cash Transfer (RCCT) ng programa. Kabilang sa mga target na benepesyaryo nito ang pamilyang walang tahanan at naninirahan lamang sa kalsada, mga katutubong nakatira sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA), at mga pamilyang nangangailangan ng espesyal na proteksyon.
📌𝗙𝗼𝗹𝗹𝗼𝘄 𝗠𝗦𝗦𝗗 𝗳𝗼𝗿 𝗺𝗼𝗿𝗲 𝘂𝗽𝗱𝗮𝘁𝗲𝘀!
FB: @MSSDBangsamoro
IG: @mssdbangsamoro
Twitter: @MSSDBangsamoro
#MSSD #BARMM
#UpliftingBangsamorolives
#MoralGovernance