Nagsagawa ng livelihood skills at business management training ang MSSD Lanao del Sur B para sa mga benepesyaryong kababaihan ng Bangsamoro Sagip Kabuhayan Program o BSK mula sa iba’t-ibang munisipyong kinasasakupan ng provincial office noong ika-22 hanggang 23 ng Nobyembre nitong taon sa Ressan Resto, Malabang Lanao del Sur.
Ang mga benepesyaryo ay tinuruan ng tamang pag-budget ng pera at mga epektibong pamamaraan upang mas mapalago pa ang kanilang negosyo tulad ng farming at livestock raising.