Umabot 2,073 na senior citizens na napapabilang sa mahihirap na sektor sa mga munisipyo ng Wao, Tamparan, Saguiaran, Lumba Bayabao, at Masiu, Lanao del Sur ang nakatanggap ng tig- Php 6,000 bawat isa nitong nakaraang linggo, March 16-18, 2022 mula sa Ministry of Social Services and Development (MSSD) sa pamamagitan ng nationally-funded program nitong Social Pension (SocPen) Program for Indigent Senior Citizens.
Ang kabuoang halagang natanggap ng mga benepesyaryong matatanda ay katumbas ng kanilang Php 500 monthly subsidy sa loob ng isang taon.
Sa mahigit dalawang libong matatandang benepesyaryong nakatanggap, 718 ang mula sa Saguiaran, 416 mula sa Wao, 390 mula sa Masiu, 343 mula sa Lumba Bayabao, at 206 naman ang mula sa Tamparan.
Ito ay alinsunod sa implementasyon ng Republic Act 9994 o Expanded Senior Citizens Act of 2010 partikular na sa ikalimang probisyon ng batas na ito na nagbibigay ng karagdagang benepisyo sa mga matatandang ang edad ay mula 60 years old pataas.
Nagsagawa din ng house-to-house distribution ang mga field workers ng MSSD Lanao del Sur A kasama ang mga nakadestinong para-social workers sa bawat munisipyo sa mga matatandang may malulubhang karamdaman upang personal na maiabot ang kanilang social pension.
(Photos from MSSD Lanao del Sur A)
#๐จ๐ฝ๐น๐ถ๐ณ๐๐ถ๐ป๐ด๐๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐บ๐ผ๐ฟ๐ผ๐๐ถ๐๐ฒ๐ #๐ ๐ผ๐ฟ๐ฎ๐น๐๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ
#๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ๐ป๐ด๐๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐บ๐ผ๐ฟ๐ผ #๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ๐ป๐ด๐ง๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐
#๐ ๐ฆ๐ฆ๐๐ฎ๐๐ฌ๐ผ๐๐ฟ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐ฐ๐ฒ #๐ ๐ฆ๐ฆ๐ #๐ ๐ฆ๐ฆ๐๐๐๐ฅ๐ ๐