Sa muling pagbangon at pagbalik sa normal na pamumuhay ng mga pamilyang apektado ng mga nagdaang kaguluhan sa Patikul, Sulu, tinungo ng MSSD Sulu kasama ang Army Reserve Command (ARESCOM) ang kanilang mga barangay upang mamahagi ng ayuda at tulong pinansyal noong ika-16 ng Nobyembre nitong taon.
Mahigit isang libong residente ang nakatanggap ng tig-limang libong cash assistance, bigas, at iba pang relief goods.
Kabilang sa kabuuang nakatanggap sa nasabing bayan ang isang daan at dalawampuโt walong residente ng Latih, isang daan at tatlumpuโt anim sa Tugas, isang daan at siyamnapuโt pito sa Maligay, isang daan at pitumpuโt isa sa Bungkaung, anim sa Buhanginan, isang daan at walompuโt siyam sa Kabbun Takas, labintatlo sa Bakong, at dalawang daan at pito naman sa Pansul.
Samantala, noong ika-17 ng Nobyembre din ay namahagi ng parehong tulong ang MSSD Sulu sa siyamnapuโt siyam na residenteng nag-balik sa kanilang barangay sa Bud Bunga, Talipao, Sulu.
Nagpaabot din ng tulong na family hygiene kits ang DSWD Field Office 9.
Ang lahat ng mga benepesyaryong nabanggit ay napapabilang sa Balik Barangay Program ng gobyerno na tinugunan ng Bangsamoro Critical Assistance for Indigents in Response to Emergency Situations (B-CARES) Program ng MSSD.