Hindi totoo ang kumakalat na impormasyon na mawawala ang 4Ps grants kapag hindi ninyo ibinoto si Governor o Mayor o kung sino mang kandidato.
Walang kinalaman ang pagboto sa particular na pulitiko sa pagpili ng mga benepisyaryo sa 4Ps.
Ang DSWD lamang ang tanging maaaring magrekomenda ng mga benepisyaryo na isasali sa 4Ps batay sa resulta ng Listahanan.
Matatanggal ang benepisyaryo kung ito ay hindi sumusunod sa mga alituntunin ng program o kung wala ng batang minomonitor na nag-aaral.
Ang MSSD ang namamahala ng 4Ps sa BARMM.
Alamin ang Totoo: Magbantay, Makialam, at Makilahok sa Eleksyon
https://pantawid.dswd.gov.ph/wp-content/uploads/2021/02/Fake-vs-Fact_english.pdf
#4Ps
#4PsBARMM
#MSSDBARMM