๐ ๐ฆ๐ฆ๐ ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ด๐๐ป๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฐ๐๐น๐บ๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐๐ต๐ถ๐น๐ฑ๐ฟ๐ฒ๐ปโ๐ ๐ ๐ผ๐ป๐๐ต; ๐ ๐ด๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐น๐ถ๐น๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ฝ ๐ป๐ด ๐๐๐น๐ผ๐ป๐ด
Sa pagtatapos ng paggunita ng National Childrenโs Month ngayong taon, naging matagumpay ang ikatlong community outreach program para sa mga bata mula sa pinagsama-samang tulong ng mga ministro at ahensyang napapabilang sa Regional Sub-Committee for the Welfare of the Children (RSCWC) at Regional Juvenile Justice and Welfare Committee (RJJWC).
Pinangunahan ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) kasama ang ibang mga ahensya at organisasyon sa BARMM ang pagsasagawa ng community outreach program para sa pitumpong (70) mga batang nag-aaral sa Markadz Arfadz, isang Islamic institution sa Brgy. Kalanganan II, Cotabato City noong Lunes, ika-29 ng Nobyembre sa taong kasalukuyan.
Nakatanggap ang mga bata ng t-shirts mula sa MSSD, hygiene kits mula sa Project Tulong sa Bangsamorong Nangangailangan (TABANG), school supplies mula sa Ministry of Health (MOH), masustansyang pagkain mula sa Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform (MAFAR), packed lunch mula sa Bangsamoro Planning and Development Authority (BPDA), kalo at facemasks mula sa organisasyong Singanen o Mindanao, at tsinelas mula sa Bangsamoro Transition Authority (BTA) Office ni Atty. Raissa H. Jajurie na syang kasalukuyang minister ng MSSD.
Nagkaroon rin ng sweets at ice cream corner mula sa BTA Office ni Minister Atty. Jajurie sa nasabing outreach program.
Karamihan sa mga pumapasok sa naturang institusyon ay mga ulila na mula sa ibat ibang munisipyo ng Maguindanao.
Labis-labis naman ang galak ng mga bata sa inihandang makulay at masayang entertainment dulot ng magic show, bubble show, at pagkakaroon ng mascots sa aktibidad.
Samantala, bukod sa Markadz Arfadz, nag-abot din ng kaparehong tulong tulad ng school supplies, hygiene kits, masustansyang pagkain, at packed lunch ang mga ministrong miyembro ng RSCWC at RJJWC at ng mga biswit at chocolates ang BTA Office ni Atty. Jajurie sa apatnapoโt limang mga batang ulila ng Markadz Abdulrahman Al-Sulaitien sa Brgy. Kakar ng lungsod.
#๐จ๐ฝ๐น๐ถ๐ณ๐๐ถ๐ป๐ด๐๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐บ๐ผ๐ฟ๐ผ๐๐ถ๐๐ฒ๐ #๐ ๐ผ๐ฟ๐ฎ๐น๐๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ
#๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ๐ป๐ด๐ง๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ #๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ๐ป๐ด๐๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐บ๐ผ๐ฟ๐ผ
#๐ ๐ฆ๐ฆ๐ #๐ ๐ฆ๐ฆ๐๐๐๐ฅ๐ ๐
(Photos from RJJWC BARMM and Singanen o Mindanao)