Isang daang pamilya sa Brgy. Magsagaw, Panglima Sugala, Tawi-tawi ang nakatanggap ng tig-25 kilo ng bigas at welfare goods mula sa Ministry of Social Services and Development (MSSD) sa isinagawang outreach program ng Tawi-tawi Provincial Office ng ministro kamakailan lamang nitong February 23, 2022
Ang mga nasabing pamilya ay nakatira sa pinakamalayong komunidad sa sulok ng Brgy. Magsagaw.
Samantala, noong araw ding iyon, nagpaabot din ng kaparehong tulong ang MSSD Tawi-tawi Provincial Office sa 90 na pamilyang apektado ng displacement kaugnay ng military lot re-acquisition sa EMS Barrio ng Brgy. Batu-batu, Panglima Sugala.
Magkasamang tinututukan ng MSSD Panglima Sugala Municipal Social Welfare Office (MSWO) at Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ang recovery ng mga nabanggit na pamilya.
Nagbigay din ng logistical at transportation support ang lokal na pamahalaan ng Panglima Sugala.
(Photos from MSSD Panglima Sugala Municipal Social Welfare Office)
#๐จ๐ฝ๐น๐ถ๐ณ๐๐ถ๐ป๐ด๐๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐บ๐ผ๐ฟ๐ผ๐๐ถ๐๐ฒ๐ #๐ ๐ผ๐ฟ๐ฎ๐น๐๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ
#๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ๐ป๐ด๐๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐บ๐ผ๐ฟ๐ผ #๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ๐ป๐ด๐ง๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐
#๐ ๐ฆ๐ฆ๐๐ฎ๐๐ฌ๐ผ๐๐ฟ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐ฐ๐ฒ #๐ ๐ฆ๐ฆ๐ #๐ ๐ฆ๐ฆ๐๐๐๐ฅ๐ ๐