๐ ๐ฆ๐ฆ๐ ๐ป๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ด๐ถ ๐ป๐ด ๐๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ต๐ถ๐ต๐ถ๐ฟ๐ฎ๐ฝ ๐ป๐ฎ ๐ฒ๐๐๐๐ฑ๐๐ฎ๐ป๐๐ฒ, ๐บ๐ฎ๐น๐ถ๐น๐ถ๐ถ๐ ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฒ๐ด๐ผ๐๐๐ฎ๐ป๐๐ฒ, ๐ฎ๐ ๐บ๐ด๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ ๐ธ๐ผ๐บ๐ฝ๐น๐ถ๐ธ๐ฎ๐ฑ๐ผ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐บ๐ฑ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป
PICONG, LANAO DEL SUR โ Kahapon, ika-26 ng Nobyembre nitong taon, inilunsad ng MSSD Lanao del Sur B ang Unlad Bangsamoro Program sa bayan ng Picong, Lanao del Sur.
Limampoโt tatlong residenteng higit na nangangailagan ang nakatanggap ng tig-labinlimang libong pisong pandagdag kapital sa kanilang maliit na negosyo. Bawat isa rin sa kanila ay nakatanggap ng tig-25 kilo ng bigas sa pamamagitan ng Bangsamoro Sagip Kabuhayan Program ng MSSD.
Samantala, tatlumpong estudyante sa elementarya ang nakatanggap ng tig-isang libong piso, tatlumpong high school students ng tig-isang libo at limang daang piso, at labinlimang college students naman ng tig-sampong libong piso mula sa Angat Bangsamoro: Kabataan Tungo sa Karunungan o ABK Program ng MSSD sa nasabing munisipyo.
Ang programa ay tumutugon sa pinansyal na pangangailangan sa pag-aaral ng mga estudyanteng napapabilang sa mahihirap na pamilya.
Walong indibidwal naman na parehong kumakaharap ng komplikadong karamdaman at problemang pinansyal ang nakatanggap ng tig-limang libong piso mula sa Bangsamoro Critical Assistance for Indigents in Response to Emergency Situations o B-CARES Program ng MSSD.