Mahigit limang libong Bangsamoro na residente ng Pikit, North Cotabato ang nakatanggap ng tig-25 kilos ng bigas mula sa Ministry of Social Services and Development (MSSD) sa ilalim ng Emergency Assistance Program ng Disaster Risk Management Division mula noong nakaraang linggo, February 7 hanggang ngayong araw.
Base sa naitalang mga benepesyaryo, 1,420 ang mula sa Brgy. Punol, 1,377 mula sa Brgy. Paidu Pulangi, 980 mula sa Brgy. Talitay, 950 mula sa Brgy. Inug-ug, at 635 naman mula sa Brgy. Bulod.
Ayon kay Haron Amer, OIC Provincial Coordinator ng MSSD Special Geographic Area, ang mga nasabing benepesyaro ay mga residenteng napapabilang pinakabulnerableng sektor ng nasabing bayan na madalas ay lubhang naaapektohan ng magkakasunod na mga pagbaha na patuloy na bumabangon ngayon sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Magpapatuloy din ang pamamahagi ng bigas sa iba pang mga Bangsamoro Communities Outside Bangsamoro Region (BCOBAR) sa mga bayan ng North Cotabato sa mga darating na araw na kung saan ay aabot sa mahigit sampong libong Bangsamoro tinatayang makakatanggap ng nasabing tulong.
(Photos from MSSD Special Geographic Area Office)
#๐จ๐ฝ๐น๐ถ๐ณ๐๐ถ๐ป๐ด๐๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐บ๐ผ๐ฟ๐ผ๐๐ถ๐๐ฒ๐
#๐ ๐ผ๐ฟ๐ฎ๐น๐๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ
#๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ๐ป๐ด๐๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐บ๐ผ๐ฟ๐ผ
#๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ๐ป๐ด๐ง๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐
#๐ ๐ฆ๐ฆ๐
#๐ ๐ฆ๐ฆ๐๐๐๐ฅ๐ ๐