Namahagi ang Ministry of Social Services and Development sa pamamagitan ng Maguindanao Provincial Branch Office nito ng tig-25 kilo ng bigas sa pitompoโt tatlong (73) pamilyang lubos na apektado ng pagbaha sa bayan ng Datu Abdullah Sangki, Maguindanao noong March 15, 2022.
Ang nasabing pagbaha ay sanhi ng pag-apaw ng tubig sa ilog na nakapalibot sa bayan dulot ng malakas na pag-ulan.
Ginanap ang distribusyon sa Purok 7 sa Brgy. Mananding sa pakikipag ugnayan ng Municipal Social Welfare Office sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng bayan.
Ang nabanggit na relief assistance ay isang agarang social intervention ng MSSD sa ilalim ng Emergency Assistance Program ng Disaster Response Management Division ng MSSD.
Sa kasalukuyan, patuloy pa ring minomonitor ng lokal na pamahalaan at MDRRMO ang lebel ng tubig sa ilog.
(Photos from MSSD Maguindanao)
#๐จ๐ฝ๐น๐ถ๐ณ๐๐ถ๐ป๐ด๐๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐บ๐ผ๐ฟ๐ผ๐๐ถ๐๐ฒ๐ #๐ ๐ผ๐ฟ๐ฎ๐น๐๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ
#๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ๐ป๐ด๐๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐บ๐ผ๐ฟ๐ผ #๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ๐ป๐ด๐ง๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐
#๐ ๐ฆ๐ฆ๐๐ฎ๐๐ฌ๐ผ๐๐ฟ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐ฐ๐ฒ #๐ ๐ฆ๐ฆ๐ #๐ ๐ฆ๐ฆ๐๐๐๐ฅ๐ ๐