COTABATO CITY โ Sa layuning mas paigtingin at pabilisin ang pamamaraan at pagroseso ng pondo Ministry of Social Services and Development (MSSD) para sa malawakan at agarang implementasyon ng mga programa nito, pinangunahan ng Finance Division ng ministro ang pagsasagawa ng consultative meeting sa lahat ng mga finance officers ng ibaโt-ibang program units at provincial branch offices kamakailan lamang nitong February 10 na matagumpay na nagtapos kahapon, February 11 sa CNX Building, Cotabato City.
Mabusising tinalakay sa nasabing consultative meeting ang estado ng pondo ng mga programa at mga rekomendasyon ng mga sistema at mekanismong gagawin sa pagpapaigting ng kabuuang operasyon ng MSSD. Ipinresenta rin ang mga susunod na hakbang ng mga finance units at revised draft ng workflow.
Ayon kay Hamodi Lao Tiboron, Chief ng Finance Division ng MSSD, napakalaki diumano ng ginagampanan ng kanilang opisina sa bawat ministro sa pagsasagawa ng mandato nito.
โAng papel na ito ay papel lamang na walang buhay. Ngunit nakasalalay dito ang bawat buhay ng ating mga kleyente at benepesyaryo. Ang ginagawa natin sa finance ay hindi lamang nakakulong sa apat na sulok ng ating opisina. Bawat papel na pinaprocess natin ay nakaangkla sa mandato na pinapatupad at programang isinasagawa ng MSSD. Ang finance ay lifeblood ng isang organisasyon o ahensya,โ pagsasaad ni Tiboron.
Ang nasabing pagpupulong ay umpisa pa lamang ng mga bagong pamamaraan ng MSSD upang mas mapabilis ang paghahatid ng serbisyo sa mga mamayan ng Bangsamoro region.
#๐จ๐ฝ๐น๐ถ๐ณ๐๐ถ๐ป๐ด๐๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐บ๐ผ๐ฟ๐ผ๐๐ถ๐๐ฒ๐
#๐ ๐ผ๐ฟ๐ฎ๐น๐๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ
#๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ๐ป๐ด๐๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐บ๐ผ๐ฟ๐ผ
#๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ๐ป๐ด๐ง๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐
#๐ ๐ฆ๐ฆ๐
#๐ ๐ฆ๐ฆ๐๐๐๐ฅ๐ ๐