Sa pagpapalawig ng Bangsamoro Critical Assistance for Indigents in Emergency Situations (B-CARES) Program ng Ministry of Social Services and Development (MSSD), lumagda sa bagong kasunduan ang Special Geographic Area Provincial Office ng ministro at ang Anecito Pesante Sr. Memorial Hospital noong February 22, 2022 sa bayan ng Midsayap, North Cotabato.
Base sa nilagdaang Memorandum of Agreement (MOA), magbibigay ng Php 2, 000, 000 ang MSSD sa nasabing ospital upang ito ay magamit ng mga pasyenteng residente ng BARMM partikular na sa mga nakatira sa 63 barangays ng North Cotabato na ngayon ay napapaloob na sa Bangsamoro SGA at pati na rin sa mga karatig munisipyo ng Maguindanao.
Layunin ng MSSD na mas mapalawak pa ang saklaw ng B-CARES Program at makapagbigay ng karagdagang serbisyo sa pamamagitan ng tulong pinansyal at medikal sa nasabing sektor.
Ito na ang ika-apat na partner hospital ng MSSD sa Bangsamoro SGA. Kasalukuyan ding pinaplano ng ministro ang pagkakaroon pa ng karagdagang partner pharmacies sa SGA.
(Photos from MSSD BARMM Special Geographic Area Provincial Office)
#๐จ๐ฝ๐น๐ถ๐ณ๐๐ถ๐ป๐ด๐๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐บ๐ผ๐ฟ๐ผ๐๐ถ๐๐ฒ๐ #๐ ๐ผ๐ฟ๐ฎ๐น๐๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ
#๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ๐ป๐ด๐๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐บ๐ผ๐ฟ๐ผ #๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ๐ป๐ด๐ง๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐
#๐ ๐ฆ๐ฆ๐๐ฎ๐๐ฌ๐ผ๐๐ฟ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐ฐ๐ฒ #๐ ๐ฆ๐ฆ๐ #๐ ๐ฆ๐ฆ๐๐๐๐ฅ๐ ๐