Namahagi ang Ministry of Social Services and Development (MSSD), katuwang ang Philippine Red Cross, ng agarang ayuda sa 2,300 na pamilyang apektado ng baha sa munisipyo ng Ampatuan sa Maguindanao kahapon, April 28, 2022.
Ang mga pamilya ay nakatanggap ng tig 25 kilos na bigas, anim na lata ng sardinas, tatlong lata ng corned beef, tatlong lata ng tuna, at labing dalawang sachet ng kape.
Ang distribusyon ay isinagawa ng Philippine Red Cross, katuwang ang MSSD, alinsunod sa pinirmahang kasunduan ng dalawang ahensya.
Sa kabila ng prohibisyon ang COMELEC sa paglabas ng pondo ng pamahalaan sa panahon ng eleksyon, patuloy na natutugunan ng MSSD ang mandato nitong magpaabot ng agarang tulong sa mga pamilyang Bangsamoro na tinamaan ng sakuna.
Tinatayang umaabot sa 50,600 na pamilya ang apektado ng baha sa Maguindanao dahil sa malakas na buhos na ulan noong ika-27 ng Abril 2022.
Itutuloy ng MSSD ang pamamahagi ng ayuda sa ibang lugar na binaha sa BARMM sa mga susunod na araw sa pakikipagtulungan sa paunang ayuda ng mga local government units (LGUs).
#UpliftingBangsamoroLives
#๐ ๐ฆ๐ฆ๐๐ฎ๐๐ฌ๐ผ๐๐ฟ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐ฐ๐ฒ
#MoralGovernance
#MSSDBARMM