Philippines Standard Time:

Today is:

Wednesday

Jumada Al Oula 4, 1446 AH

November 06, 2024

𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗨𝗟𝗡𝗘𝗥𝗔𝗕𝗟𝗘𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗗𝗔𝗡𝗔𝗡, 𝗦𝗨𝗟𝗨 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗡𝗦𝗬𝗔𝗟

blank

Tinungo ng mga empleyado ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) Indanan Municipal Social Welfare Office ang limang (5) mga residente ng Indanan, Sulu na napapabilang sa bulnerableng sektor na kasalukuyang kumakaharap ng krisis upang personal na maiabot ang tulong pinansyal mula sa ministro noong March 18, 2022.

Kabilang sa mga nakatanggap ng tulong pinansyal ang isang residente mula Brgy. Poblacion ng Php 15, 000 para sa burial assistance ng ama nitong pumanaw. Sa barangay naman ng Sapah Malaum, isa ring residente ang nakatanggap ng burial assistance para rin sa magulang nito.

Samantala, isang ina naman sa Brgy. Kajatian ang binisita ng MSSD Indananan MSWO upang bigyan ng medical assistance na nagkakahalaga ng Php 15, 000 para sa anak nitong labas pasok sa hospital dahil sa kondisyon nitong hypokalemia periodic paralysis.

Isa ring solo-parent na may anak na mayroong mental illness o sakit sa pag-iisip ang nakatanggap ng Php 20, 000 bilang karagdagang tulong sa medikal at pang-araw-araw nilang pangangailangan. Ang mag-ina ay walang sariling tahanang tinutuluyan kung kaya’t sa isang bakanteng pwesto sa pambublikong palengke ng bayan sila nakatira.

Nag-abot din ng financial assistance na Php 30,000 ang MSSD Indanan MSWO sa isang bulnerableng pamilya upang mapaayos ang kanilang nasirang bahay matapos itong mabagsakan ng natumbang puno ng niyog dulot ng malakas na hangin. Tumanggap rin ng medical assistance na nagkakahalaga ng Php 10, 000 ang ama ng pamilya matapos itong atakihin ng stroke dahil sa nangyaring sakuna.

Ang ganitong uri ng mga social intervention ay sa ilalim ng Bangsamoro Critical Assistance for Indigents in Response to Emergency Situations (B-CARES) ng Disaster Response Management Division ng MSSD.

Mabusising sumasailalim sa assessment at case management ng mga field social workers ang lahat ng kliyente ng B-CARES program upang masiguro na sila ay kwalipikado at totoong napapabilang sa mga higit na nangangailangan at mahihirap na sektor.

(Photos from MSSD Indanan, Sulu)

#𝗨𝗽𝗹𝗶𝗳𝘁𝗶𝗻𝗴𝗕𝗮𝗻𝗴𝘀𝗮𝗺𝗼𝗿𝗼𝗟𝗶𝘃𝗲𝘀 #𝗠𝗼𝗿𝗮𝗹𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲
#𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴𝗕𝗮𝗻𝗴𝘀𝗮𝗺𝗼𝗿𝗼 #𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴𝗧𝗮𝗽𝗮𝘁
#𝗠𝗦𝗦𝗗𝗮𝘁𝗬𝗼𝘂𝗿𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲 #𝗠𝗦𝗦𝗗 #𝗠𝗦𝗦𝗗𝗕𝗔𝗥𝗠𝗠

blank
blank
blank
blank
blank

Source