Philippines Standard Time:

Today is:

Friday

Jumada Al Oula 20, 1446 AH

November 22, 2024

𝗠𝗔𝗬 𝗞𝗜𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗞𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗥𝗦𝗢𝗡𝗦 𝗪𝗜𝗧𝗛 𝗗𝗜𝗦𝗔𝗕𝗜𝗟𝗜𝗧𝗜𝗘𝗦 𝗢 𝗣𝗪𝗗𝗦 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔𝗠𝗔𝗛𝗜𝗛𝗜𝗥𝗔𝗣 𝗔𝗧 𝗕𝗨𝗟𝗡𝗘𝗥𝗔𝗕𝗟𝗘𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗞𝗧𝗢𝗥 𝗗𝗜𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗠𝗠?

𝗠𝗔𝗬 𝗞𝗜𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗞𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗥𝗦𝗢𝗡𝗦 𝗪𝗜𝗧𝗛 𝗗𝗜𝗦𝗔𝗕𝗜𝗟𝗜𝗧𝗜𝗘𝗦 𝗢 𝗣𝗪𝗗𝗦 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔𝗠𝗔𝗛𝗜𝗛𝗜𝗥𝗔𝗣 𝗔𝗧 𝗕𝗨𝗟𝗡𝗘𝗥𝗔𝗕𝗟𝗘𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗞𝗧𝗢𝗥 𝗗𝗜𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗠𝗠?

Basahin ang mga dapat na malamang mahahalagang impormasyon at proseso tungkol sa 𝗞𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴𝗮 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝘆 𝗞𝗮𝗽𝗮𝗻𝘀𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 ng MSSD BARMM.

𝗔𝗡𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗬 𝗞𝗔𝗣𝗔𝗡𝗦𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠?

Ang programang Kalinga para sa may Kapansanan Program ang kauna-unahang programa sa bansa na inilunsad ng MSSD BARMM mula noong 2020 na naglalayong matulungan ang mga kwalipikadong mahihirap na PWDs na makamit ang kanilang pang araw-araw na pangangailangan kagaya ng gamot at pagkain sa pamamagitan ng buwanang sustento na P500.

𝗦𝗜𝗡𝗨-𝗦𝗜𝗡𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗔𝗬𝗢𝗥𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗕𝗜𝗚𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗦𝗧𝗘𝗡𝗧𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠𝗔?

Mga PWDs na kabilang lamang sa pinakamahihirap at bulnerableng sektor sa BARMM ang kwalipikadong pasok sa ranking system ng programa.

𝗔𝗡𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗧𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗜𝗟𝗜 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗪𝗔𝗟𝗜𝗣𝗜𝗞𝗔𝗗𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗘𝗡𝗘𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠?

Dahil sa limitadong pondo, may sinusunod na ranking system ang MSSD BARMM sa pagpili ng mga benepisyaryo ng programang ito batay sa mga sumusunod na kategorya:

1. Functional Difficulty (Dinaramdam na Kapansanan)
2. Severity Score (Kalubhaan ng Kapansanan)
3. Economic Status (Katayuan sa Buhay)
4. Living Conditions and Other Special Protection Needs (Kasalukuyang Sitwasyon at Iba pang Pangangailangan ng PWD)

𝗔𝗡𝗨-𝗔𝗡𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗣𝗔𝗡𝗦𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗦𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝗚𝗨𝗜𝗗𝗘𝗟𝗜𝗡𝗘𝗦 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠?
• Nahihirapang makakita kahit nakasuot ng salamin
• Nahihirapang makarinig kahit na gumagamit ng hearing aid
• Nahihirapang maglakad o umakyat ng hagdan
• Nahihirapang umalala o magpokus
• Nahihirapang paliguan ang kanilang sarili o magdamit
• Nahihirapang makipag-usap

𝗔𝗡𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗦𝗘𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚-𝗔𝗣𝗣𝗟𝗬?

1. Dalhin ang mga sumusunod na requirements sa Municipal Social Welfare Office (MSWO) ng lugar kung saan naninirahan ang mahirap na PWD:

a. Valid government ID kliyente na iinterbyuhin

b. Certificate of Disability galing sa doktor (maliban sa mga PWDs na halatang may kapansanan)

c. Barangay Certificate of Residency o Certificate of Indigency na nagpapatunay na nangangailangan ng tulong ang benepisyaryo
d. PWD ID (hindi nangangahulugan na mapapabilang agad sa programa ang mga PWD na mayroon nito)

e. General Intake Sheet (galing sa MSSD BARMM)

Paalala: Ang lahat ng hindi orihinal na kopya ng dokumento ay kailangang may tatak na “Certified True Copy”. Dalhin rin ang mga orihinal na kopya ng mga dokumento sa MSWO para sa balidadyon.

2. Magsasagawa ng interbyu at balidasyon ang social worker/s.

3. Hintayin ang resulta ng aplikasyon.

4. Kung kwalipikado ang PWD sa programa, hintayin ang schedule ang payout.

𝗦𝗜𝗡𝗨-𝗦𝗜𝗡𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗞𝗪𝗔𝗟𝗜𝗣𝗜𝗞𝗔𝗗𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗣𝗔𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗬 𝗞𝗔𝗣𝗔𝗡𝗦𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠?

• Mga Benepisyaryo ng Social Pension Program for Indigent Senior Citizens (Socpen) Program

• Mga Pensioner ng Government Service Insurance System (GSIS), Social Security Sytem (SSS), Philippine Veterans Affairs Office (PVAO), Armed Forces and Police Mutual Police Mutual Benefit Association Inc. (AFPMBAI), at iba pang insurance agencies ng gobyerno at pribadong kumpanya

• Mga empleyado ng Gobyerno

• Mga indibidwal na may kabuhayan o regular na pinagkukunan ng sapat na kita

• Mga indibidwal na may regular na suporta mula sa pamilya at kaanak

• Mga indibidwal na nakakaangat ang estado sa buhay

𝗕𝗨𝗞𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠, 𝗔𝗡𝗨-𝗔𝗡𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗦𝗦𝗗 𝗕𝗔𝗥𝗠𝗠 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗔𝗔𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗛𝗜𝗛𝗜𝗥𝗔𝗣 𝗡𝗔 𝗣𝗪𝗗𝗦?

• Angat Bangsamoro: Kabataan tungo sa Karunungan (ABaKa) Program
• Bangsamoro Sagip Kabuhayan (BSK) Program ng MSSD BARMM
• Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps)
• Sustainable Livelihood Program (SLP)

Muli, pinapayuhan ang mga interesado at kwalipikadong PWDs, maaaring makipag-unayan sa Municipal Social Welfare Officer ng MSSD BARMM sa inyong bayan at bisitahin ang kanyang opisina upang magsumite ng requirements at magpa-assess.

#MSSD #BARMM
#UpliftingBangsamoroLives #MoralGovernance

blank
blank
blank
blank
blank

Source