Philippines Standard Time:

Today is:

Saturday

Rabi Al Thani 23, 1446 AH

October 26, 2024

𝗕𝗔𝗦𝗔𝗛𝗜𝗡: Mensahe ni Minister Raissa H. Jajurie para sa mga nagtapos ngayong araw mula sa Pantawid Pa

blank

𝗕𝗔𝗦𝗔𝗛𝗜𝗡: Mensahe ni Minister Raissa H. Jajurie para sa mga nagtapos ngayong araw mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

“Ang programa ng 4Ps ay ipinapatupad ng gobyerno upang tugunan ang isyu ng kahirapan, nutrisyon, kalusugan at edukasyon.

Sana po ay natulungan tayo ng programang ito sa iba’t ibang aspeto upang umangat ang ating kalagayan sa buhay.

Binabati rin natin ang mga magulang na may mga anak na sa loob ng ilang taon ay nakabenepisyo sa programa sa kanilang kalusugan, nutrisyon, at pag-aaral upang maging produktibong mamamayan ng ating bayan.

Hindi po ibig-sabihin na graduate na tayo ay tapos na ang ating relasyon sa isa’t isa. Sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program (SLP), kayo po ay mabibigyan ng kapital na maaari ninyong palaguin upang maging pangkabuhayan. Sana po ay magamit ito nang maayos upang patuloy na maiangat ang ating pamumuhay.”

#UpliftingBangsamoroLives
#MSSDAtYourService
#MSSDBARMM
#SerbisyongBangsamoro

blank

Source