๐๐๐๐ ๐๐ญ ๐๐ก๐ข๐ฅ. ๐๐๐ ๐๐ซ๐จ๐ฌ๐ฌ ๐ง๐๐ฆ๐๐ก๐๐ ๐ข ๐ง๐ ๐๐ฒ๐ฎ๐๐ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐ฉ๐๐ค๐ญ๐๐๐จ ๐ง๐ ๐๐๐ก๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฆ๐๐ฌ๐๐ฉ๐๐ง๐จ ๐๐ญ ๐๐ก๐๐ซ๐ข๐๐ ๐๐ ๐ฎ๐๐ค
NAGSAGAWA ang Ministry of Social Services and Development sa probinsya ng Maguindanao ng monitoring sa pagbigay ng ayuda sa 1,516 na pamilyang apektado ng baha dulot ng bagyong agaton sa munisipyo ng Mamasapano at 654 naman mula sa Shariff Aguak, Maguindanao noong April 18 at 20 ngayong taon.
Ang mga pamilya ay nakatanggap ng tig 25 kilos na bigas, anim na lata ng sardinas, tatlong lata ng Corned Beef, tatlong century tuna at labing dalawang dalawang sachet ng kape.
Ang distribusyon ay isinagawa ng Philippine Red Cross katuwang ang MSSD, alinsunod sa pinirmahang memorandum of agreement o MOA ng dalawang ahensya.
Ito rin ay bilang pagsunod sa prohibisyon ng Commission on Election o COMELEC sa paggamit o pag release ng resources at kaperahan ng bawat gobyerno sa kasalukuyang election period.
Aasahan pa rin natin na ang MSSD katuwang ang Philippine Red Cross ay patuloy pa ring mamamahagi ng ayuda sa mga pamilyang apektado ng sunod sunod na pagbaha sa ibat ibang dako ng probinsya.
#UpliftingBangsamoroLives #SerbisyongBangsamoro #MSSDatyourService #MSSDBARMM #MSSDMaguindanao